Connect with us

Aklan News

BINATA, NALUNOK ANG PUSTISO HABANG KUMAKAIN NG BATCHOY

Published

on

By

Hirap pa ngayong makapagsalita at hindi pa makakain ang isang binata na aksidenteng nakalunok ng kanyang pustiso nitong Huwebes.

Nangyari ang insidente pasado alas-12 kahapon habang nanananghalian ng batchoy ang 24 anyos na si alyas “Jun” (hindi niya tunay na pangalan) ng Brgy. Pusiw, Numancia.

Hindi na namalayan ni Jun na sa kanyang paglunok ay sumama ang pustiso na may isang artipisyal na ngipin at bumara sa kanyang lalamunan na naging dahilan ng kanyang pagka-ospital.

Kinakailangan pang obserbahan ang binata para malaman kung dapat itong isailalim sa operasyon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *