Connect with us

Aklan News

2 RIDER NG MOTORSIKLO, SUGATAN SA AKSIDENTE SA BANGA

Published

on

Kapwa sugatan ang dalawang rider ng motorsiklo matapos maaksidente kaninang umaga sa highway ng Mambog, Banga.

Nakilala ang mga biktimang sina Jorli Liberato, 28 anyos ng Calizo, Balete, at Allem Gallardo, 30 anyos ng Lalab, Batan.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, magkasunod ang dalawang rider na papuntang Kalibo nang mag-menor ng takbo si Liberato para sana magpagasolina, subalit aksidenteng nabangga nito sa likuran ang kasunod na si Gallardo.

Dahil dito, parehong sumemplang sa kalsada ang dalawa at nagtamo ng mga gasgas sa katawan.

Samantala, sinabi naman ng Banga PNP na agad na nagkaareglo ang dalawa sa mismong lugar na pinangyarihan ng insidente.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *