Connect with us

Aklan News

BIKE FOR PEACE, PADYAK FOR A CAUSE NG KALIBO PNP, LUMARGA NA

Published

on

Lumarga na ang Bike for Peace, Padyak for a cause ng Kalibo PNP, bago paman mag-alas 7:00 ngayong umaga.
Halos 200 mga siklistang pulis, biking enthusiast, at iba pang support group ang nakilahok sa nasabing aktibidad, na nagsimula kanina sa isang registration, at warm up activity sa Pastrana Park, sa pamamagitan ng isang Zumba.
Layunin ng nasabing aktibidad ang isang mapayapang halalan ngayong May 9, 2022.
Nakatakda namang sumunod sa nasabing aktibidad ng Kalibo PNP ang iba pang municipal police stations.