Connect with us

Aklan News

81 ANYOS NA LOLA NABUNDOL NG MOTOR, PATAY

Published

on

Nabas, Aklan- Patay ang isang 81 anyos na lola matapos aksidenteng mabundol ng motorsiklo kagabi sa bayan ng Nabas.

Nakilala ang biktimang si Leonora Atonio, residente ng Sitio Sulong, Brgy. Gibon Nabas.

Ayon sa Nabas PNP na habang naglalakad ang biktima mga dakong 8-30 kagabi ng aksidente itong mabundol ng motorsiklo na minamaneho ni Hernan Antolin Oczon, 52 anyos na residente naman ng Brgy. Nabaoy, Malay.

Parehong nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima na kaagad isinugod sa Ibajay District Hospital ng mga rumespondeng MDRRMO Nabas.

Samantala ayon Kay PCpl. Andrew Andrade ng Nabas PNP na binawain ng buhay mga dakong 11:00 kagabi ang biktimang si Antonio samantalang out patient naman ang driver ng motorsiklo at anak nitong back rider.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Nabas PNP ang driver ng motorsiklo na napag-alamang nasa impluwensiya ng alak ng mangyari ang insidente.