Connect with us

Aklan News

72 TURISTA NAGTUNGO SA BORACAY SA LOOB NG ISANG LINGGO

Published

on

By

Photo| Unsplash

Nasa 72 turista lang ang nagpunta sa Boracay Island sa loob ng isang linggo simula nang muling buksan sa domestic tourist nitong Setyembre 8, matapos ang mahigit isang buwan na pagsarado.

Mula sa nabanggit na blang, 41 ang mula sa Aklan, 11 sa Capiz, 7 sa Iloilo City, 5 sa Iloilo province, at 4 sa NCR, 2 sa Zamboanga del Sur at tig isa sa Batangas at Cebu.

Batay sa datos ng Malay Tourism office, mas mataas ang bilang ng mga babaeng turista na nasa 38 habang 34 naman ang mga lalaki.

Pinakamataas naman pagdating sa age group ang 13-59 taong gulang na umabot sa 62 habang anim ang 0-12 taong gulang at 4 ang 60 pataas.

Mahigit isang buwan na isinara ang Boracay sa turista mula nang ilagay ng gobyerno nasyonal sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) status ang Aklan nitong Agosto 1.

Setyembre 8 naman ng pormal na muling buksan ang Boracay sa mga turista.

Bago ang temporaryong closure, mahigit 35,000 turista na ang bumisita sa Boracay.

Ito ang pinakamataas na bilang ng tourist arrival mula Oktubre 2020.