Connect with us

Aklan News

7 nasawi, 1 missing sa pananalasa ng bagyong Paeng sa Aklan

Published

on

PHOTO COURTESY| Warang kita Tats

Pito ang nasawi habang isa pa ang patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad matapos manalasa ang bagyong Paeng sa lalawigan ng Aklan.

Sinabi ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Galo Ibardolaza na 5 sa mga nasawi ang mula sa bayan ng Libacao, habang tig-isa naman ang naitala sa mga bayan ng Lezo at Batan.

Aniya isa sa mga ito ay namatay matapos makuryente habang ang iba naman ay inanod ng baha.

Umabot sa mahigit 190,000 na indibidwal ang inilikas at mahigit P100 milyon ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura at imprastraktura.