Connect with us

Aklan News

Pinsala sa agrikultura at imprastraktura sa Aklan dulot ng bagyong Paeng sumampa sa P108M

Published

on

PHOTO: MDRRMO Madalag

Tinatayang nasa mahigit P108 milyon ang halaga ng pinsala ng bagyong Paeng sa sektor ng agrikultura at imprastraktura sa lalawigan ng Aklan.

Batay kay Aklan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Galo Ibardolaza, as of 2pm kahapon, Oktubre 30, nasa 43, 202 pamilya mula sa 15 munispyo ang nailikas o katumbas ng 193,167 na mga indibidwal.

Umaabot sa P45,303,288 ang pinsala sa agrikultura dahil sa mga pananim gaya ng palay at mais na nalubog at inanod ng baha gayundin ang mga fishpond na umapaw ang tubig.

Nasa P63,624,000 naman ang iniwang pinsala ni Paeng sa imprastraktura dahil sa mga pagguho ng lupa kabilang ang mga sirang kalsada, tulay at seawall sa New Washington.

Ayon pa kay Ibardolaza, kung ikukumpara sa mga nakalipas na bagyo, pangatlo ang Paeng sa pinakamalakas mula sa Frank na humagupit sa probinsya noong 2008 at tropical depression Quinta noong December 2012.