Connect with us

Aklan News

3 BIKTIMA NG HIWALAY NA VEHICULAR ACCIDENT SA AKLAN, NAKA-ICU

Published

on

Kapwa nakaconfine sa Intensive Care Unit (ICU) ng Aklan Provincial Hospital ang tatlong lalaking biktima ng magkahiwalay na vehicular accidents sa Aklan.

Kailangan na dalhin sa Iloilo ang biktimang si Kent Tampos, 28 anyos ng Dumatad, Tangalan na naaksidente kagabi habang pauwi mula sa Panayakan.

Batay sa ulat sa Todo Latigo, nakainom si Kent habang nagmomotorsiklo kagabi nang mawalan ng balanse at sumalpok sa guard rail ng kalsada.

Naka-comatose ngayon ang biktima dahil sa tindi ng pinsalang natamo ng kanyang ulo at iba’t-ibang parte ng katawan.

Samantala, kailangan rin ilipat sa Iloilo ang 31 anyos na si Kid Cawaling ng Brgy. Marianos, Numancia matapos maaksidente kaninang ala-una ng madaling araw.

Batay sa ulat, umuwi ang biktima sa bahay ng kanyang mga magulang sa Mantiguib at naabutan ng madaling araw sa pag-iinom, pinigilan pa raw nila itong umalis pero nagpumilit na pumunta sa Tabangka sakay ng motorsiklo.

Dahil sa kalasingan, sumalpok ang biktima sa isang punong kahoy na at nagtamo ng matinding pinsala sa katawan.

Sugatan rin ang isang 20 anyos na binata na kinilalang si Demi Loyd Zausa ng Brgy. Calizo, Balete nang masalpok ng kasalubong na traysikel.

Angkas ng biktima ang kanyang nobya papunta sa Jugas nang makasalubong nila ang nakabanggang traysikel.

Napag-alaman na maliit lang ang daanan sa lugar at lasing pa ang drayber ng traysikel dahilan ng kanilang banggaan.