Connect with us

Aklan News

UPDATE: LASING NA BIKTIMA NG PANANAGA, DI NA MAGSASAMPA NG KASO; 5 SUSPEK, PINAKAWALAN NA

Published

on

Malinao – Pinakawalan na ng Malinao PNP ang 5 suspek sa pananaga kagabi sa Osman, Malinao, matapos magpahayag ang biktimang si Joel Torrado na hindi na umano ito magsasampa ng kaso.

Ayon sa Malinao PNP, aminado rin umano kasi ang biktima na hindi niya kilala kung sino ang nanaga sa kanya, dahil narin sa labis nitong kalasingan.

Samantala, nabatid sa imbestigasyon ng pulis na lasing na si Torrada nang dumating sa nag-iinumang bisita sa pamamahay ni Rosito Flores, kung saan sinasabing sinuntok nito ang isa sa mga ito.

Doon na umano pumasok sa loob ng bahay ni Rosito ang mga bisita para makaiwas, subalit nagpumilit umanong pumasok si Torrado sa pintuan kung saan nakahawak ang kanyang kamay, na siya namang tinaga ng isa sa mga tao doon sa loob.

Lumalabas pa sa imbestigasyon na kinursunada ng biktima ang mga nasabing bisita, rason ng nasabing insidente.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *