Connect with us

Aklan News

2 KATAO SUGATAN SA HIT AND RUN -Malbert Dalida

Published

on

Numancia – Dalawa ang sugatan nang ma hit and run ng SUV (sport utility vehicle) alas 7:30 kagabi sa Punta Tulay, Bulwang, Numancia.

Subalit sa pagresponde ng Numancia PNP, ang driver lamang ng motorsiklo na si Noel Arkins De Manuel, sa legal na edad ng Bacan, Banga ang nakilala, na naging out patient din sa ospital, pati ang kanyang angkas.

Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, papunta ang dalawa sa direksyon ng Numancia nang masagi umano ng kasabayan nilang SUV ang kanilang motorsiklo.

Resulta, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver kung kaya’t sumemplang ang mga ito sa kalsada, subalit kapwa mapalad na mga minor injuries lamang ang kanilang tinamo

Samantala, bamaga’t tumakas ang SUV matapos ang insidente, nabatid na nakunan naman ng plate number ng isang humabol na residente doon ang nasabing sasakyan.

Nakatakda namang makipag-ugnayan sa LTO ang Numancia PNP para makilala at mapanagot sa batas ang driver ng SUV.

Basahin👉

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *