Connect with us

Aklan News

2 BAKASYONISTA, NASAGIP MATAPOS MALUNOD

Published

on

Photo|©New Washington MDRRMO

Nasagip ang dalawang babae matapos malunod sa baybayin ng Brgy. Cawayan, Newashington kanina bandang 10:55 ng umaga.

Humingi ng tulong ang isang concern citizen sa MDRRMO Newashington, sa pangunguna ng kanilang Team Leader na si Kathrina Bautista.

Pagdating sa nasabing lugar ang dalawang biktima ay naka-upo na sa cottage malapit sa baybayin.

Sinasabing ang dalawang babae ay galing sa Metro Manila at nagbakasyon lamang sa Probinsya ng Aklan.

Kaninang umaga nagdesisyon ang dalawa na pumunta at maligo sa nabanggit na lugar. Sa pag-aakalang hindi kalakasan ang alon.

Sa di inaasahan biglang lumakas ang alon, rason na nalunod ang mga ito.

At hindi pa marunong lumanggoy ang mga biktima.

Mabuti na lamang, nakita at nasagip ng mga taong malapit sa lugar.

Agad namang dinala sa Aklan Provincial Hospital ang mga biktima para sa agarang gamutan.