Connect with us

Aklan News

SANGGOL NA LALAKI, NAKITANG PATAY SA ILOG

Published

on


Batan-Isang patay na lalaking sanggol ang nakita sa ilog ng Lalab, Batan bandang alas 12:30 kaninang hapon.

Ayon kay Ella Marie Julian, residente ng nasabing lugar, naghahanap umano siya ‘umang’ o hermit crab sa ilog nang makita niya sa malapit sa pilapil ang nilalangaw nang sanggol.


Kàagad umano niyang tinawag ang kanyang ina at sinabi ang kanyang nakita, subali’t sinagot siya nito na baka manika lamang ang kanyang nakita.

Iginiit umano ni Ella na sanggol nga ang kanyang nakita, dahilan upang tumawag na ng mga otoridad ang kanyang ina.

Inilarawan pa ni Ella na na’deform’ na ang ilong ng bata, at may pusod pang nakakabit, habang ‘bloated’ na ang tiyan nito.

Ayon naman sa MDRRMO Batan, may birth mark pa sa likod ang bata na pinaniniwalaan ding nalunod.

Kàagad namang dumating ang mga taga Batan PNP at MDRRMO Batan at dinala sa punerarya ang bata upang isailalim sa post mortem examination.

Samantala, patuloy naman ang imbistigasyon ng Batan PNP kaugnay ng insidente, habang iginiit ng mga residente sa lugar na wala silang nakitang buntis na pumunta doon o nagawi man lamang.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *