Connect with us

Aklan News

19 ANYOS NA LALAKI SA BORACAY NAGBIGTI, PATAY

Published

on

Nagbigti
Boracay-Patay na ng matagpuan sa loob ng kanyang kwarto ang isang 19 anyos na lalaki matapos magbigti sa Sitio Hagdan, Yapak Boracay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Malay PNP nakilala ang biktima na si Arnel Taneo at residente ng nasabing lugar.
Hindi na naabutan pa ng mga rumespondeng pulis ang katawan ng biktima dahil dinala na ito sa hospital ng kanyang pamilya.
Ayon sa tiyahin ng biktima na si Aira Menciano, dakong alas 5:30 ng hapon kanina nang dumating siya sa bahay at mapansin na bukas ang pinto ng kwarto ng biktima kaya agad niya itong tiningnan.
Laking gulat na lamang umano niya nang makita na nakabitin na ang biktima.
Kaagad umano siyang humingi ng saklolo sa kanyang ka-live in partner at kaagad nilang pinutol ang lubid na ginamit ng biktima.  Isinugod sa hospital ang biktima ngunit idineklara rin itong dead on arrival.
Ayon naman sa salaysay ng isa pang tiyahin ng biktima na si Analyn Valeriano, dakong alas 11:00 kaninang tanghali ay sinabi sa kanya ng biktima na gusto niyang magpakamatay dahil tinatawag umano siya ng kanyang kaibigan na nagpakamatay rin noong mga nakaraang buwan.
Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Malay PNP hinggil sa dahilan ng pagpakamatay ng biktima.
Ito na ang ikatlong kaso ng pagpapakamatay sa Isla ng Boracay sa loob lamang ng isang linggo.
Kung may problema ka at nais mo ng kausap, maaari kang tumawag sa:
National Center for Mental Health Crisis Hotline (NCMH-USAP) sa 0917-899-USAP (8727) o sa 7-989-USAP (8727).
Hopeline PH 24/7 hotlines:
0917-558-4673 (Globe)
0918-873-4673 (Smart)
2919 (toll-free for Globe and TM)

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *