Connect with us

Aklan News

3 SUGATAN SA SALPUKAN NG 2 MOTOR

Published

on

Kalibo – Tatlo ang sugatan sa salpukan ng dalawang motorsiklo bandang alas 6:40 kagabi sa Osmeña Ave., Linabuan Norte, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang sina Mary Lou Salido, 32 anyos ng Oyotorong St., Poblacion, Kalibo, at ang magkaangkas sa motorsiklong sina Art Fernandez, 25 anyos ng Feliciano, Balete at April Teodosio, 25 anyos ng Tinigao, Kalibo.


Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, galing Banga papuntang Kalibo ang nagmomotorsiklong si Salido nang bigla umano itong lumiko pakaliwa, rason na nakabanggaan ang kasabayang sina Fernandez at Teodosio.

Resulta, pareho silang sumemplang sa kalsada at nagtamo ng sugat sa katawan na kaagad namang isinugod sa ospital.

Samantala, nauwi naman sa areglo ang insidente matapos magkasundo ang kani-kanilang pamilya na mag-aambag-ambag sila sa mga gastusin medikal sa ospital.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *