Connect with us

Aklan News

1000 benepisyaryo sa New Washington, makatatanggap ng tig P2000 na AICS

Published

on

By

Makatatanggap ng tig P2000 na Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ang 1000 benepisaryo sa New Washington.

Gaganapin ang distribusyon ng AICS ngayong araw sa bayan ng New Washington.

Sa panayam ng Radyo Todo kay New Washington Mayor Jessica Panambo, sinabi niya na ang nasabing assistance ay mula sa opisina ni Senator Imee Marcos at Second District CongressmanTeodorico Haresco.

Personal na tutungo ang senadora sa New Washington para ipamahagi ang AICS sa mga estudyante.

Kaugnay nito, ipinahayag din niya na namigay din sila ng mga E-bike sa 30 benepisyaryo sa bayan ng New Washington.

Ang mga nakatanggap ng e-bike ay mga miyembro ng Traysikad Association sa nabanggit na bayan.

Aniya, may 60 miyembro ang nasabing asosasyon pero sa ngayon ay 30 lang muna ang nabigyan ng e-bike.

Nangako naman ayon sa alkalde si first district Congressman Carlito Marquez ng dadagdag pa ng 30 pang e-bikes para sa mga natitirang miyembro ng Traysikad Association.