Connect with us

Aklan News

Away mag-asawa: isa nataga, isa nasaksak

Published

on

By

Parehong naka-confine sa ngayon sa Aklan Provincial Hospital ang mag tiyuhin matapos masaksak at mataga kagabi sa Barangay Kinalangay Nuevo, Malinao.

Kinilala ang mga ito na sina Roldan Ibardolaza, 48 anyos at Erika Ibardolaza, 23 anyos ng nasabing lugar.

Ayon sa report nag away sina Erika at ang kanyang asawa ngunit narinig ito ng kanyang tiyuhin na si Roldan at kanya itong pinuntahan para sawayin sana.

Ngunit pag dating sa bahay ni Erika pinagsabihan niya si Roldan na “ANO ING EABOT” na ikinagalit ni Roldan at kanyang nasaksak si Erika sa kanyang kaliwang kamay.

Matapos masaksak si Erika ni Roldan ay binantayan naman ito ni Ronnie at kanyang tinaga sa ulo at likod.

Inawat naman sila ng iba nilang kaanak para hindi na lumala ang insidente.

Sa ngayon ay nagpapagaling na sa Provincial Hospital si Roldan at Erika samantalang arestado ng mga kapulisan si Ronnie Ibardolaza.