Connect with us

National

SEA Games, babantayan ng 3 libong pulis mula sa Manila’s Finest

Published

on

Humigit-kumulang 3,000 pulis mula sa tinaguriang Manila’s Finest na Manila Police District (MPD) ang inaasahang magbabantay ng seguridad sa lahat ng mga lugar kung saan gaganapin ang Southeast Asian (SEA) Games, bago pa sumapot ang ika-30 ng Nobyembre.

Ito ang naging pahayag ni  P/Brig. Gen Bernabe Balba, MPD Director. Layon ng MPD na mabigyang seguridad ang mga atleta, maging amg mga manonood at taga-suporta ng SEA Games. Dagsag pa ng heneral, hindi pa kasama sa 3,000 libong ito ang mga pulis mula Region IV na itatalaga naman sa Clark, na pagdadausan din ng palaro.

Kabilang sa babantayan ng mga pulis ang Rizal Stadium kung saan gaganapin ang ibang mga laro, gayundin ang Manila Hotel na padarausan naman ng Billiard games. Kasama rin dito ang mga hotels sa Maynila na tutuluyan ng mga atleta at ng iba pang may obligasyon sa palaro. 

Napag-alaman ding ang mga nakatalagang pulis ay 24/7 ang magiging pagbabantay sa mga darating na atleta at dayuhan para makiisa at manood ng SEA Games.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *