Connect with us

National

SUNOG SA CARGO SHIP, UMABOT SA IKA-5 ALARMA

Published

on

Nilamon ng apoy ang isang maliit na cargo vessel, habang naka-daong sa ilalim ng Delpan Bridge, Muelle dela Industria sa lungsod ng Maynila, umaga ng June 12, 2021.

Ang cargo vessel na MV Titan 8 ay napag-alamang may kargang mga tangke ng LPG. Nasunog rin ang katabi nitong trak ng gasolina.

Tatlo ang naiulat na sugatan, 2 rito ay pahinante ng barko, at isa ay mula sa trak.

Umabot sa ika-limang alarma ang sunog at  kinailangan na ring gumamit ng BFP ng chemical foam para apulahin ang apoy.

Idineklarang fire under control ang insidente, 1:54 ngayong hapon, habang patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog.