Connect with us

Sports

Women’s beach volleyball team ng Pilipinas, nakasungkit ng unang panalo sa pagbukas ng Asian games

Published

on

By

Photo: PNVF

Nilampaso nina Dij Rodriguez at Gen Espalor ng Pilipinas ang koponan ng Korean sa iskor na 21-11 at 21-6 sa larong beach volleyball sa pagbubukas ng Asian Games nitong Martes, Setyembre 19 sa Hangzhou, China.

Maliban kina Rodriguez at Espalor na kabilang sa Pool A, naipanalo din ang kauna-unahan panalo sa Pool B nina Khylem Progella at Grydelle Matibag sa iskor na 17-21, 21-21 at 15-13 laban sa Hongkong.

Ang koponan ng Philippine women’s beach volleyball ay magbabalik ngayong araw para sa kanilang laro laban sa China at Kazakhstan para sa Pool A at Indonesia naman sa Pool B.

Samantala, ang Pool B naman sa volleyball men’s na sina Ran Abdilla at Jaron Requinton ay bigo na manalo sa iskor na 21-13, 16-21 at 8-15 laban sa Indonesia.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *