Connect with us

Capiz News

Kawatan ng mga nakasampay na panty at bra, arestado

Published

on

By

ARESTADO ang isang lalaki na itinuturong kawatan ng mga nakasampay na bra at panty sa barangay Culasi, Roxas City, Capiz.
Kinilala ang suspek na si Armando Villar, 57-anyos at dating security guard ng Culasi Elementary School.
Ayon sa nakalap na impormasyon ng Radyo Todo, isang mag-ina ang nagreklamo sa kanilang barangay na nahuli nila ang suspek na pumasok sa kanilang bahay at kinuha ang mga nakasampay nilang damit panloob.
Kaagad namang rumesponde ang mga miyembro ng CVO ng naturang barangay kung saan nakita nila sa loob ng bahay ng suspek ang napakaraming panty at bra na kanyang ninakaw.
Ayon sa mga awtoridad, ang suspek ay kilalang manyakis sa kanilang lugar.
Samantala, maliban sa mga panty at bra, narekober din sa bahay ng suspek ang isang 38 cal. revolver na baril na may mga bala.