Connect with us

Capiz News

Estudyante nahulihan ng baril sa labas ng public market sa Sigma, Capiz

Published

on

By

NAHULIHAN ng baril ang isang estudyante habang namamasyal sa labas ng public market sa Sigma, Capiz.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag na may isang menor de edad sa labas ng merkado na pinaniniwalaang may dalang baril.

Sa pagresponde ng mga pulis, nakita nila ang isang baril na nakaumbok sa suot na bag ng estudyante.

Tinangka pa nitong bunutin ang dalang armas ngunit natakot ng makita ang mga kapulisan.

Nakuha mula sa kanya ang isang caliber .38 revolver na may apat na mga bala.

Narekober din ng mga kapulisan ang dalawang unit ng cellphone, isang sling bag at motorsiklo.

Napag-alaman na residente na Sitio Balogo, Pagbunitan sa bayan ng Sigma ang hindi na pinangalanang suspek.

Nagpapatuloy pa sa ngayon ang imbestigasyon ng mga kapulisan kung bakit may dalang baril ang naturang estudyante.