Connect with us

National

SERBISYO NG MORE POWER SA ILOILO CITY, PINURI NI SEN. GRACE POE

Published

on

By

Pinuri ni Sen. Grace Poe ang mahusay na serbisyo ng MORE Electric and Power Corporation (MORE Power) sa Iloilo City.

Aniya, matapos mabigyan ng legislative franchise sa loob ng 3 taon ay nasolusyunan na agad ang malaking problema sa brownout at bumaba na ang singil sa kuryente sa lungsod.

Ibinida ni Poe ang MORE Power sa pagpapatuloy ng joint investigation ng Senate Committee on Energy at Committee on Public Services.

Kaugnay ito sa madalas na brownout na nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa hindi magandang management ng mga electric cooperative.

Naniniwala ang senador na ang pagpasok ng mga private players katulad ng MORE Power ang susi sa pagpapabuti ng serbisyo ng kuryente at para maiwasan ang madalas na brownout sa mga lugar sa bansa.

“Kung mas malaki ang capitalization ng private sector at meron silang responsibilidad sa kanilang mga shareholders, mas maayos ang serbisyo nila. Doon sa Iloilo City, nang ma-approve ang franchise ng MORE Power, mas naging maayos ang serbisyo” paliwanag ni Poe, chairman ng Senate.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *