Connect with us

TODO Espesyal

Labis na paggamit ng cellphone, nagdulot ng pinsala sa paningin ng isang paslit

Published

on

Sa murang edad na 2 – anyos pa lamang ay pinayagan na ang bata na gumamit ng cellphone gawa nang abala ang sariling mga magulang nito sa kani – kanilang trabaho.
Kinalaunan ay napansin ng ama nito na tila may pagbabago na sa kalusugan ng bata subalit hindi nito agad nabatid na sanhi ito ng matagal at sobrang tutok sa cellphone.

ANG RESULTA: 2 – anyos palang ang bata ay kinailangan nang gumamit ng atepara o eyeglasses ngunit hindi inaasahan ay biglaan nalang itong hindi makakita at kinailangan na nitong ipa-doktor, maisalba lang ang kanyang paningin.

Panawagan ng Showbiz at Political news site na KAMI.COM, “Nawa’y ang nangyari sa ama at sa anak niya magsilbing aral na wag basta-bastang hayaan ang bata sa cellphone.”

PAYO NI DOK
Batay sa pagsusuri ng Pediatrician at Health Communications Expert na si Dr. Katrina Florcruz, MD, DPPS, ang LABIS na panonood ng TV at paggamit ng gadgets tulad ng computer, tablet, at cellphone ay tunay na hindi maganda sa mga MATA ng bata.
Ayon kay Dok, posible itong magdulot ng mga sumusunod:
1. EYE FATIGUE (PAGKAPAGOD NG MATA)
Napapagod ang mga muscles ng mata kapag matagal nakatitig sa screen ng gadgets. Maaari din ito magdulot ng headache.
2. PANLALABO NG MATA
Kapag matagal naka-focus ang mga mata sa gadgets, pwedeng humantong sa paglabo ng mga mata o kaya ay near-sightedness.
3. DRY EYES
Ang mga bata na gumagamit ng gadgets ay mas madalang kumurap kung kaya’t natutuyo ang kanilang mga mata. Ilan sa symptomas ng “Dry Eyes” ay madalas na pagkurap (tuwing hindi gumagamit ng gadgets), pamumula ng mata, at pagkasilaw sa liwanag.

Bukod din sa matinding ‘exposure’ sa cellphone at TV, malubha din ang negatibong epekto sa mga mata ang kawalan ng outdoor activities.
Tinatayang nasa may 5 Bilyong katao ang may ‘myopic’ o ‘short – sighted’ pagdating ng taong 2050, samantalang nasa 1 Bilyon naman ang posibleng mabulag dahil sa labis na pagkakalantad sa TV at cellphone.
Paliwanag ng Director of South East Asia and Eastern Mediterranean Region Institute na si Sumrana Yasmin, dumadami na ang bilang ng mga kabataan na hindi na lumalabas ng bahay upang maglaro o mag – ehersisyo sa halip ay maghapon at magdamag na lamang nakatutok sa TV at gadgets.
Dahilan nito ang maagang pagka – labo ng kanilang mga mata na lalong lumalala sa paglipas ng taon.
Kaya’t simpleng payo ng mga esksperto, himukin ang mga kabataan na limitahan ang paggamit ng mga gadgets para hindi maapektuhan ang tinatawag na ‘long – distance vision.’

Mas mainam din na ugaliing magpa – konsulta sa mga espesyalista sa mata isang beses kada taon upang maibsan ang banta ng ‘short – sightedness’ at pagkawala ng paningin lalo na sa mga kabataan.
Basahin ang ilang komento ng netizens sa ibaba:

Phoebe SommerBasta mura na Celfone at Made in China. Monitor ang Celfone pag mainit possible puputok sya.

Alfreds PridePag di nasulosyunan darating ang panahon marami ang batang pilipino ang my problema sa mata

OliverDapat talaga bantayan ng mabuti ang ating mga anak lalo na sa murang edad dahil mahina pa ang kanilang pangontra sa anumang sakit. doble ingat tayo mga kabayan. nasa huli ang pagsisisi.

Article: Daily Sentry