Connect with us

TODO Espesyal

Lalaking nagpakasal sa rice cooker, nakipag-divorce din makaraan ang apat na araw

Published

on

By

Photo Courtesy| lagidirumah/Twitter

“WALA TALAGANG FOREVER KAHIT SA RICE-COOKER”

Ito ang reaksyon ng mga netizens matapos maibalitang nakipag-divorce na ang isang lalaking Indonesian sa pinakasalan nitong rice cooker.

Apat na araw lang ang itinagal ng pagsasama ni Khoirul Anam at ag pinakamamahal na rice cooker na kanyang pinakasalan nitong Setyembre 20.

Nagdesisyon si Anam na makipaghiwalay dahil kanin lang raw ang kayang lutuin ng kanyang ‘napangasawa’at wala na itong ibang alam na gawin kundi ang magluto ng kanin.

Nagviral sa Facebook si Anam matapos pakasalan ang ang kanyang paboritong kitchen appliance na “rice cooker”.

Makikita sa mga larawang kumakalat sa socmed na masaya si Anam habang ginagawa ang seremonya ng kasal.

Pumirma rin si Anam ng mga dokumento ng kasal at hinalikan pa ang rice cooker sa harap ng isang pari.

Ayon pa sa kanya, “Fair, obedient, loving and good at cooking” ang kanyang asawa.

Noong una ay hindi pa malinaw kung legit o katuwaan lang ang naturang post na mabilis na nakakuha ng atensyon ng mga netizens.

Advertisement

Pero kalaunan, nabatid na isa lamang itong social media stint dahil isa palang prankster ay sikat na internet celebrity si Anam sa Indonesia.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *