Connect with us

TODO Espesyal

Mister na sikretong nagbakasyon sa Italy kasama ang kabit, nagpositibo sa COVID-19

Published

on

Shutterstock photo

Naka-quarantine ngayon ang isang mister sa United Kingdom matapos kapitan ng coronavirus disease nang sikretong magbakasyon sa Italy kasama ang kalaguyo.

Nasa isolation na ang nasa 30-anyos na lalaki, pero wala pa ring kaalam-alam ang misis nito sa totoong nangyari sa kanyang asawa dahil ang paalam nito ay pupunta lang siya sa isang business trip sa United Kingdom.


Sa ulat ng Daily Mail UK, umamin si mister sa mga opisyal ng ospital kung paano niya nakuha ang coronavirus sa Italy kaya’t nabuko na may ibang babae ito.

Ngayon ay mas nagpa-panic na ang mister at mas kabado na mabuko ng kanyang misis ang kanyang pambababae kaysa sa kanyang kalusugan.

Isa ang Italy sa may mga pinakamaraming kaso ng coronavirus disease sa buong mundo.

“Despite his infection, he is expected to survive the outbreak, unlike his extra-marital relationship,” ayon sa isang ulat.

Source: dailymail.com.uk / www.lucisphilippines.press

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *