Connect with us

Health

0.0013% lang ang nagka-COVID-19 mula sa 9 million fully vaccinated – FDA

Published

on

Fully vaccinated

Maliit na bahagi lang ng mga fully-vaccinated individual ang nagkaroon ng COVID-19, ayon sa Philippine Food and Drug Administration (FDA) kahapon Agosto 13.

Sa isang press briefing, batay kay FDA chief Eric Domingo, 116 lang ang nakakuha ng virus higit dalawang linggo matapos ang kanilang second dose, kasama rito ang isang matanda na namatay sa kabila ng pagiging fully vaccinated ng Sinovac.

Ito ang dahilan kaya sinabi ng FDA na ang COVID-19 vaccination benefits weigh more than the risk.

Nakapagtala ang FDA ng kabuuang 735 infections sa mga vaccinated individuals matapos nilang matanggap ang kanilang first o second dose.

“We have to put this into perspective, these 735 vaccinated and 65 fatalities are out of 11 million vaccinated in the past 6 months,” saad ni Domingo.

Inilahad ng FDA chief ang impormasyon batay sa pinaka-bago nilang data mula Agosto 1. Sa panahong iyon, may kabuuang 20.8 million doses na naibigay na kung saan 11.7 million ang partially vaccinated at 9.1 million individuals naman ang fully vaccinated.

“Breakthrough infection cases can still occur in small percentage of fully vaccinated individuals but less severe,” sabi niya.

Ang breakthrough infection ay nangyayari kung ang fully vaccinated individual ay nagkaroon pa rin ng COVID-19.

Kahit na nagbibigay ng karagdagang proteksyon ang mga bakuna laban sa COVID-19, wala sa mga ito ang makakapagbigay ng 100 percent proteksyon sa sakit.

May iba’t-ibang mga sakit na maaring maging dahilan sa breakthrough infections. Ang United States Center for Disease Control ay naghahanap ng mga trends sa edad, kasarian, mga bakuna, mga health condition at mga COVID-19 variants para malaman ang mga unusual patterns na maaring makakapagpaliwanag kung bakit nagaganap ang mga infections.

“There will always be breakthrough cases. Not only with COVID-19 vaccines, but with vaccines on other diseases as well,” ayon kay Domingo.

Ang mga COVID-19 vaccines, ano man ang brand nito, ay mabuting panlaban upang hindi ma-ospital at mamatay sa sakit, ngunit ang mga vaccinated individuals ay pwede pa ring mahawa ng virus.

Ito ang dahilan kung bakit pinapayuhan ng mga health experts na patuloy pa rin ang pagsasanay ng minimum public health standards, sapagkat karamihan sa population ng Pilipinas ay hindi pa nababakunahan.

Source: Rappler

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *