Connect with us

Capiz News

“Home Quarantine Pass” gustong ibalik ni Mayor Dadivas sa Roxas City

Published

on

Plano ngayon ni Mayor Ronnie Dadivas na ibalik ang Home Quarantine Pass para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa Roxas City sa gitna ng General Community Quarantine.

Kapansin-pansin kasi na nitong mga nakalipas na araw ay dagsa na ang mga tao sa lungsod at nakakaligtaan na ang social distancing.

Ikinababahala ni Mayor Dadivas ang posibleng muling hawaan na mangyari kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon.

Aniya, bibigyan ng tig-dadalawang quarantine pass ang bawat bahay habang ang mga nagtatrabaho ay kukuha rin ng working pass.

Layunin ng panukala na malimitahan ang paglabas ng bahay na wala namang mahalagang lakad maliban sa pagbili ng pagkain o gamot.

Isinumite na ng alkalde ang nasabing panukala sa Provincial Inter-Agency Task Force for COVID-19 at hinihintay nalang ang kanilang tugon ukol rito.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *