Connect with us

Capiz News

3 LALAKI ARESTADO DAHIL SA ILIGAL NA PAGSASABONG SA ROXAS CITY, CAPIZ

Published

on

Arestado ang tatlong lalaki dahil sa iligal na pagsasabong o tupada sa Brgy. Milibili, Roxas City, Capiz.

Kinilala ang mga naaresto na sina Martino Mata alyas Toto, 47-anyos, isang gaffer, residente ng Pinesville, Brgy. Bato; Daniel Arceño, 39, residente ng Sitio Sumiga, Brgy. Milibili; at Nilo Adonay, 58, Proper Milibili, Roxas City, parehong mga mananaya.

Ang operasyon ay ikinasa ng CIDG Capiz PFU, CIDG RSOT RFU6, Roxas City PNP at Capiz PIU-PPO

Nahuli sa akto ang tatlo habang nagsasabong habang ang mga iba ay mabilis na nagsipagtakbuhan at nakatakas.

Kabilang sa mga narekober ng operatiba ang apat na buhay na panabong na manok, at nasa Php7,000 pera mula sa mga suspek. Narekober din ang ilan pang mga kagamitan sa iligal na aktibidad.

Dinala ang mga suspek sa CIDG Capiz PFU para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon. Posibleng maharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Presidential Decree 449 o Illegal Cockfighting.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *