Connect with us

Capiz News

19-anyos na lalaki kasama ang 3 menor de edad arestado sa pagnanakaw

Published

on

Arestado ang isang 19-anyos na lalaki kasama ang tatlong mga menor de edad matapos nakawan umano ang isang tindahan sa Poblacion Tabuc, Maayon, Capiz.

Kinilala ang suspek na si Rogie Cordova, 19, habang kinilala naman ang biktima na si Randy Delfin, 43, isang negosyante, parehong mga residente ng Brgy. Palaguian sa naturang bayan.

Nabatid na naganap ang pagnanakaw alas-10:00 ng gabi nitong Miyerkoles, Hunyo 16 at kinabukasan na nadiskobre ng biktima na nawawala na ang ilan niyang mga paninda.

Sinasabing nakapasok ang mga suspek sa pag-akyat sa pader at pagsira sa pinto ng tindahan.

Habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang kapulisan nakatanggap sila ng impormasyon na nasa mga barkada nito ang mga suspek. Nang puntahan ang lugar ay naaktuhan ng kapulisan ang mga suspek na pinaghati-hatian na ang mga paninda na sinasabi ng biktima na mula sa kaniyang tindahan.

Ikinulong ng kapulisan ang suspek habang itinurn-over naman sa Municipal Social Welfare and Development Office ang mga menor para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *