Connect with us

Capiz News

Fish vendor binaril sa Roxas City

Published

on

Isang fish vendor ang binaril sa Washington St., Brgy. VII, Roxas City dahil sa away ng kaniyang pamilya at pamilya ng suspek.

Kinilala ang biktima na si John Rey Guardiana, 33-anyos, habang kinilala naman ang suspek na si Rudeo Concepcion, 30, parehong mga residente ng nasabing lugar.

Ayon sa Roxas City PNP, nag-iinuman ang biktima sa bahay ng kaniyang nanay nang magkaroon ng pagtatalo ang pamilya ng suspek at pamilya ng biktima.

Pumunta umano sa bahay ng suspek ang biktima at kinompronta nito ang una tungkol sa away ng kaniyang kapatid na babae at kapatid na babae ng suspek.

Nang pabalik na ang biktima sa bahay ng kaniyang ina ay binaril siya patalikod ng suspek na tumama sa kaniyang pigi at agad na isinugod sa Roxas Memorial Provincial Hospital.

Mabilis namang nakatakas ang suspek matapos ang insidente at tinutugis pa ngayon ng kapulisan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *