Connect with us

Aklan News

Wanted person na may kasong carnapping, naaresto makalipas ang 30 taon

Published

on

By

Matapos ang 30 taong pagtatago sa batas, naaresto ng HPG Aklan ang isang lalaking wanted sa kasong carnapping sa bahagi ng Culasi, Antique nitong Huwebes.

Kinilala ang inaresto na si Leonardo Loyola alyas “Totong” at residente ng barangay Malacañang, Culasi, Antique.

Nag-ugat ang naturang kaso ni Loyola matapos nitong nakawin ang isang motorsiklo noong Pebrero 4, 1993 sa bayan ng Kalibo.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na si Loyola ng HPG-Aklan para sa karampatang disposisyon.

Samantala, nasa P120,000 naman ang piyansang inirekomenda ng korte para kanyang pansamantalang kalayaan./SM

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *