Connect with us

Aklan News

UNITY WALK AND PEACE COVENANT SIGNING NG MGA KANDIDATO SA LALAWIGAN NG AKLAN NAGING MATAGUMPAY

Published

on

UNITY WALK AND PEACE COVENANT SIGNING NG MGA KANDIDATO SA PROBINSIYA NG AKLAN NAGING MATAGUMPAY

MATAGUMPAY ang isinagawang unity walk at peace covenant signing ng mga kandidato sa lalawigan ng Aklan sa kabila ng maulan na panahon.

Ang nasabing peace covenant signing ay isinagawa ng mga political aspirants at candidates sa St. John the Baptist Cathedral sa bayan ng Kalibo nitong Pebrero 4.

Sa panayam ng Radyo Todo kay PSSgt. Jane Vega, Public Information Officer ng Aklan Police Provincial Office (APPO), sinabi nito na layunin ng peace covenant signing na maging matiwasay ang gaganaping Local at National Election sa darating ng buwan ng Mayo.

Aniya, kilala ang lalawigan ng Aklan bilang isa sa mga lugar na matiwasay dahil walang problema o insidenteng nai-rereport tuwing halalan.

Dagdag pa nito na nais nilang ipakita ang sinsiridad ng Philippine National Police (PNP), Commission on Elections (COMELEC) at iba pang law enforcement agencies kasama ang lahat ng political aspirants at kandidato sa pamamagitan ng nasabing aktibidad.

Nagpapasalamat din si PSSgt. Vega sa lahat ng mga kandidato at mga lumahok na nagbigay ng kanilang oras, suporta at kooperasyon sa nasabing peace covenant signing.

Ang nasabing peace covenant signing ay inisyatibo ng PNP at COMELEC.

Samantala, umaapela si Vega sa publiko ng suporta, kooperasyon at pag-intindi lalo na sa mga isinasagawang Comelec checkpoints dahil ito aniya’y para sa kapayapaan at seguridad ng halalan sa gitna ng pandemya.