Connect with us

Aklan News

Tricycle driver na umano’y nambastos ng 13-anyos na babaeng pasahero, kulong sa Kalibo PNP

Published

on

By

NAKAKULONG ngayon sa Kalibo PNP Station ang isang tricycle driver na umano’y nambastos ng menor-de-edad pasahero nitong Biyernes, Nobyembre 24.

Sumuko sa mga otoridad ang driver nitong Sabado ng gabi matapos kumalat sa Facebook ang post ng ama ng bata na may kalakip na larawan nito at body number ng kanyang tricycle.

Humakot ng maraming shares at komento ang nasabing post na ngayon ay burado na.

Sa deleted post ng ama ng bata, isinalaysay nito na sumakay ang bata ng kanyang tricycle mula sa eskwelahan pauwi sa Andagao dakong ala-1:30 ng hapon nitong Biyernes.

Doon na siya kinausap ng driver at ikinuwento ang mga sekswal na karanasan nito sa ibang mga naging pasahero.

Ipinaliwanag pa umano ng tricycle driver kung ano ang pakikipagtalik gamit ang kamay nito at akma pa sana nitong niliko sa ibang direksyon ang menor-de-edad.

Kaugnay nito, ipinagmalaki pa raw ng driver sa bata at pina-search sa Facebook ang kanyang anak na teacher.

Nakauwi naman umano ng ligtas ang menor-de-edad pero nagresulta ito ng malaking takot at trauma sa bata.

Hinihintay naman ngayon ng mga otoridad ang pasya ng mga magulang ng bata para sa kaukulang disposisyon.