Connect with us

Aklan News

Top 2 most wanted sa Altavas, naaresto sa Nueva Ecija

Published

on

By

PHOTO: Altavas Municipal Police Station

Nalambat ng mga awtoridad sa Nueva Ecija ang top 2 most wanted person sa bayan ng Altavas.

Lumipad ang Altavas PNP sa Gatan Village, Burgos Ave., Good Samaritan, Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong Marso 4 para mahuli ang akusadong may warrant of arrest sa R.A. 9262 (Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004) at RA 7610 (Child Abuse Law).

Ayon kay PLT Ryan Batadlan ng Altavas PNP, P72,000 ang piyansang itinakda ng korte para sa R.A. 9262 (Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004.

Samantala, P80,000 naman ang piyansa para sa RA 7610 (Child Abuse Law).