Connect with us

Aklan News

Mag live-in sugatan matapos tagain sa New Buswang, Kalibo

Published

on

By

Sugat sa braso at paa ang tinamo ng maglive-in partner matapos mabiktima ng pananaga sa New Buswang, Kalibo.

Kinilala ang mga biktimang sina Arlon Damian, 42-anyos at Tessa Perucho, 31-anyos, habang ang suspek ay si Ronniell Vingno, 31-anyos na kapwa mga taga Magdalena Village.

Ayon kay Damian, nakikitira lamang sila sa bahay ng kanyang tiyahin na nanay ng suspek mula pa noong Disyembre 2023.

Salaysay pa ng biktima, nag-iinuman ang suspek at tatay nito nang dumating siya sa kanilang bahay kaya niyaya siya ng mga ito.

Uminom naman ang biktima pero kalauna’y tumigil na ito para magpahinga at matulog sa duyan.

Pero makalipas ang ilang minuto ay nag-away ang mag-ama at inagaw ng suspek ang hawak na patalim ng ama nito saka dumeretso sa natutulog na biktima.

Nagulat na lang ang biktimang si Damian nang sipain siya ng pinsang suspek kaya tumayo ito at doon na siya tinaga ng suspek sa paa at braso.

Nadamay pa ang babaeng live-in partner ng biktima at tinaga rin ito sa braso.

Sinubukan pang tumakas ng suspek pero agad rin itong nahuli ng mga kapulisan, samantala handa umanong magsampa ng kaso ang mga biktima laban sa kanya.