Connect with us

Aklan News

TODO MEDIA FOUNDER JONATHAN CABRERA, PINARANGALAN BILANG REGION’S FINEST 2022

Published

on

By

Itinanghal na isa sa Region’s Finest ang founder ng TODO MEDIA SERVICES na si Jonathan Cabrera sa ginanap na awarding ceremony sa SM City Iloilo kahapon, Marso 12.

Tanging si Cabrera lamang ang Aklanon na nakasungkit ng nasabing parangal na iginawad ng Keep on Talking by Boy Jorge at SM City Iloilo sa labindalawang natatanging indibidwal sa Rehiyon 6 na may malaking ambag sa larangan ng negosyo, politika, edukasyon, utilities, media, at iba pa.

Ayon sa mga naggawad ng nasabing parangal, hindi kataka-takang nakamit ng brodkaster ang parangal sapagkat hindi matatawaran ang kanyang naging kontribusyon sa lipunan bilang isang “mediaman, publicist, and strategist rolled into one”.

Naniniwala umano ang founder ng Todo Media na ang mga media platforms ay isang “force for good, a powerful ally in the war against ignorance, a means to lift and inspire, and to help make a difference on people’s lives to a new level”.

Nabanggit din sa awarding ceremony na dahil sa pagiging visionary at trailblazer ni Cabrera, nagtagumpay siya sa paglinang sa Todo Media bilang kauna-unahang multimedia company sa Aklan na ngayo’y unti-unti nang lumalawak ang nararating ng kanilang serbisyo sa rehiyon.

“With his natural gifts on public relations, Jonathan was able to successfully navigate with positive ingenuity the prolific ventures of companies under his care and always finds the positive messages and translates those messages into positive stories”.

Mahalaga rin umano ang naging papel ni Cabrera, bilang spokesman at media relations consultant para maiparating sa mga Ilonggo ang mga pagisiskap ng More Electric and Power Corporation (MORE Power) na ipagpatuloy ang pagbibigay ng magandang serbisyo at record-breaking na pinakamababang electricity rate sa bansa.

Advertisement

Note: Ang Radyo Todo ay isa sa mga media outlets ng Todo Media Services.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.