Connect with us

Aklan News

Tindero ng isda, sinugod sa loob ng tindahan at binaril-patay

Published

on

By

PATAY ang isang tindero ng isda matapos sugurin at barilin kagabi sa Brgy. Polo, Ibajay.

Kinilala nag biktimang si Antonio Tejada Jr, 58 anyos, residente ng nabanggit na lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na nasa loob ng tindahan ng kaniyang anak ang biktima nang pasukin ng isang lalaking nakasuot ng itim na jacket na may hood at facemask at saka binaril.

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang biktima dahil sa tinamong tama ng kalibre 45 na baril sa dibdib nito.

Sinasabing agad na tumakas ang suspek papunta sa direksyon ng Tangalan sakay ng motorsiklo na nakaabang dito.

Tinitingnan na rin ng mga kapulisan ang mga CCTV na malapit sa lugar ng pinangyarihan ng krimen na posibleng makatulong sa imbestigasyon.

Napag-alaman kasi na wala halos taong nasa lugar nang mangyari ang insidente dahil mayroong ginaganap na liga.

Nakatakdang isailalim sa post mortem examination ang bangkay ni Tejada habang masusing pinag-aaralan ng pulisya kung ano ang motibo ng pagpatay sa kanya.