Connect with us

Aklan News

Sari-sari store owner, sinaksak-patay sa Crossing Buswang, Kalibo

Published

on

By

Patay ang isang sari-sari store owner matapos pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Crossing Buswang, Poblacion Kalibo nitong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Marissa Flores, 49-anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon pa sa Kalibo PNP, dalawang lalaki ang suspek sa nasabing krimen kung saan ang isa dito ay nakasuot ng itim na shorts, orange na T-shirt at itim na sweatshirt na may hood samantalang ang isa naman ay nakasuot ng orange na shorts, gray na may halong black camouflage na sweatshirt na may hood rin.

Lumabas sa kanilang imbestigasyon na pinasok ang biktima sa loob ng kanyang tindahan at saka pinagsasaksak.

Nagtamo ito ng sugat sa kanang dibdib, tiyan, leeg, baba at kamay dahilan ng kanyang pagkamatay.

Samantala, tumakas umano ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo patungo sa Mabini Street Extention matapos ang insidente.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nangyaring pananaksak upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at kung ano ang motibo sa krimen.

 

 

 

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *