Connect with us

Aklan News

PAHINANTE NG TRUCK, ARESTADO MATAPOS UMANONG PAGNAKAWAN ANG ISANG BARANGAY CHAIRMAN SA LOOB NG NUMANCIA PUBLIC MARKET

Published

on

Numancia – Arestado ang isang pahinante ng truck matapos umanong pagnakawan kaninang umaga ang isang barangay chairman sa loob ng Numancia Public Market.

Nakilala ang nagreklamong kapitan na si Roberto Macavinta, 62 anyos ng Marianos, Numancia, habang nakilala naman ang suspek na si Jason Dela Cruz, 29 anyos ng Igtambo, Passi City, Iloilo.

Base sa report ng Numancia PNP, nagbabantay si kapitan sa kanilang mga panindang gulay at grocery sa loob mismo ng merkado nang mapansin umano nito ang suspek na gumagapang sa ilalim ng papag.

Nakita din umano nito ang suspek na kinuha ang isang plastic bag doon na naglalaman ng shoulder bag ng kanyang asawa, kung saan naroon din umano ang wallet nito na naglalaman ng P15, 000.00.

Kaagad umanong tumakas ang suspek na
hinabol pa mismo ni kapitan papunta sa Madyaas Institute School, hanggang sa madakip ito ng mga rumespondeng pulis.

Kaagad namang inaresto ang suspek at kasalukuyang nasa piitan ng Numancia PNP Station para sa karampatang disposisyon, subalit hindi na umano narekober pa ang nasabing wallet.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *