Connect with us

Aklan News

NO VACCINE, NO WORK POLICY IPINAPATUPAD NG AKLAN PROVINCIAL GOVERNMENT

Published

on

NO VACCINE, NO WORK POLICY IPINAPATUPAD NG AKLAN PROVINCIAL GOVERNMENT

Ipinapatupad na ng Aklan Provincial Government ang No Vaccine, No Work Policy o ang  mandatory vaccination para sa mga manggagawa on-site simula nitong Disyembre 1.

Sa Memorandum No. 085 na ipinalabas ni Aklan Governor Florencio Miraflores, inaatasan nito ang lahat ng mga empleyado na provincial government, mula sa mga job orders, contract of service employees, at permanent worker ng magpabakuna ng COVID-19 Vaccine.

Ito ay batay sa Resolution 148-B and 149 ng National Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang ibig sabihin nito ay hindi na maaring pumasok sa kanilang trabaho ang mga empleyado na hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Papayagan lamang silang makapasok sa trabaho kapag may maipakita negative RT-PCR test result at ito’y kailangan nilang isumite kada dalawang Linggo kung saan sila ang dapat magbayad para sa nasabing test.

Samantala sa ilalim ng RA 11525 o Covid Vaccination Program nitong February 2021, nakasaad sa Section 12 na hindi mandatory ang vaccination card bilang requirement sa pag-aaral, trabaho at iba pang transaksyon ng gobyerno.