Connect with us

Aklan News

P1.7 milyon inisyal na danyos sa sunog ng sumiklab sa Libacao

Published

on

P1.7 MILYON INISYAL NA DANYOS SA SUNOG NG SUMIKLAB SA LIBACAO

TINATAYANG aabot sa P1.7 milyon ang iniwang danyos sa sunog na sumiklab sa Barangay Poblacion, Libacao, Aklan nitong Martes.

Ayon kay FO1 Arnold Delfin, Arson Investigator ng BFP-Libacao, totally burned ang 2-storey na ancestral house na pagmamay-ari ng pamilya Isada samantalang partially damage naman ang mga katabing bahay nito na pagmamay-ari naman nina Arturo Zonio at Anthony Zonio.

Maliban dito, isang nakaparang kotse naman sa labas ng bahay ang nilamon din ng apoy matapos hindi kaagad nakuha dahil walang susi.

Sumiklab ang naturang sunog bandang alas-4 ng madaling araw kung saan ayon sa mga residente ay una nilang nakita ang apoy sa may kusina ng bahay.

Wala naman aniyang may naitalang nasugatan sa insidente.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin isinasagawang imbestigasyon ng BFP-Libacao sa totoong pinagmulan ng apoy.