Connect with us

Aklan News

Opening of Lights sa Makato, dinagsa ng maraming bisita

Published

on

PHOTO COURTESY: Litratista de Aklan
Paskong-pasko na ang vibe sa bayan ng Makato matapos ang matagumpay na Opening of Lights kagabi na dinagsa ng maraming bisita at residente.
Lumiwanag ang paligid ng Makato Municipal Grounds dala ng makukulay na palamuti na sinabayan ng magarbong fireworks display.
Enjoy at busog ang mga dumalo bata man o matanda dahil marami rin ang mga pagkaing pagpipilian sa food court kung saan tampok ang iba’t-ibang delicacies ng mga iba’t-ibang establisyemento.
Bukod sa opening of lights, ipinakilala rin ang mga kandidatang sasabak sa Miss Makato Sto. Niño Ati-Atihan Festival 2023 at sinimulan ang Paliga sa Banwa Men and Women Basketball League 2022-2023.
Sa kanyang mensahe kagabi, sinabi ni Mayor Ramon D. Legaspi III na ito ay para mabigyan ng kasiyahan ang mga residente matapos ang mga nagdaang problema gaya ng bagyo at pandemya.
Bukod sa kasiyahan at mental health ng mga nasasakupan, paraan din aniya ito ng pagpapugay kay Patron Saint Señor Sto. Niño.
Aniya pa, malaki ang potensyal ng Makato sa turismo at target nila na gawing isa ito sa mga tourist destination sa Aklan.