Connect with us

Aklan News

Motorista, sumalpok sa street light dahil sa kalasingan

Published

on

By

SUMALPOK sa street light ang isang motorista sa may Calachuchi Road, Kalibo nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang motorista na si Richard Masangya 29-anyos, residente ng Brgy. Andagao, Kalibo at napag-alamang nasa ilalim ng impluwensya ng alak.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, pauwi na sana si Masangya ngunit pagdating sa nasabing lugar ay aksidente itong lumihis ng linya dahilan ng kaniyang pagkasalpok sa street light at pagkatumba.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na kaagad namang isinugod sa Aklan Provincial Hospital para sa kaukulang medikasyon.

Samantala, pagmumultahin naman ito dahil sa nagawang mga bayolasyon gaya na lamang ng pagmamaneho ng lasing.