Connect with us

Aklan News

MISTER NA OFW, IPINAGPALIT NG TEACHER NA MISIS SA ISANG PULIS

Published

on

By

Nauwi sa demandahan ang kapalaran ng mag-asawang OFW at guro sa Aklan matapos makipag-apid ang misis sa isang pulis.

Mahigit dalawang taon na nagtrabaho sa ibang bansa ang mister na 35 anyos na tubong Libacao, Aklan bago nakauwi sa Aklan.

Habang nasa abroad ang mister ay may mga nagpapadala na sa kanya ng mga larawan na may mas batang kalaguyo ang kanyang 35-anyos na misis.

Hanggang sa umuwi na ang mister at nahuli niya mismo ang dalawa na nagsasama sa isang boarding house sa Kalibo.

Napag-alaman na nagpakilala ang mga itong mag-asawa sa kanilang mga kapwa boarders at caretaker ng kanilang tinitirahan.

Naniniwala naman ang mister na may nangyari na sa kanyang misis at sa kalaguyo nitong pulis habang sila ay nagsasama.

Inaresto ang mga suspek pero agad naman na nakapag-piyansa ang mga ito.

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *