Connect with us

Aklan News

Magpamilya na sakay ng motor naaksidente, 3 sugatan

Published

on

Sugatan ang mag asawa at kanilang anak matapos maaksidente sa sinasakyang motorsiklo kahapon ng umaga sa Brgy. Bacan, Banga, Aklan.

Kinilala ang mga biktima na sina Jojo Palmon, 37 anyos driver ng motorsiklo, Jenifer Palmon 31 anyos at ang kanilang dalawang anak na 5 at 3 taong gulang, mga taga Polocate, Banga.

Napag-alaman na galing Polocate ang mga biktima at ihahatid sana nila sa eskwelahan ang kanilang anak ngunit pagdating sa nasabing lugar ay nawalan ng preno ang minamanehong motorsiklo na bumangga naman sa puno ng kahoy.

Tumilapon ang mga biktima at nagtamo ng mga galos sa kanilang katawan na sa ngayon ay nagpapagaling pa sa Provincial Hospital.