Connect with us

Aklan News

Lalaking nabangga ng motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa Estancia, kasalukuyang naka-ICU

Published

on

By

Kasalukuyang naka-ICU sa isang pribadong ospital si Rod Custodio matapos itong mabangga ng isang motorsiklo na minamaneho ni Allan Sano kahapon sa may Osmeña Ave. Brgy. Estancia, Kalibo.

Napag-alaman na hanggang ngayon ay unconscious parin ang biktimang si Custodio at patuloy parin na inoobserbahan dahil sa tinamong tama sa ulo.

Samantala, nagkaroon naman umano ng kasunduan ang pamilya ni Custodio at ang nakabanggang si Sano na pagbabayarin nalang umano ito sa lahat ng gastos sa ospital kapalit ng hindi pagsampa ng kaso.

Nakatakdang magbigay si Sano ng P10,000 ngayong araw sa pamilya ng biktima bilang paunang bayad sa mga naging gastos nito sa ospital mula kahapon.