Connect with us

Aklan News

Lalaking galing sa birthday party tinadtad ng taga

Published

on

Tinadtad ng taga ang isang lalaking galing sa birthday party ala-una ng madaling araw kanina.

Kinilala ang biktima na si Darius Zaspa, 36 anyos, habang kinilala naman ang suspek na si Jasen Retubis, 25 anyos at residente ng Kinalangay Nuevo, Malinao.

Ayon sa imbestigasyon ng Malinao Pnp na parehong galing sa isang birthday party ang dalawa at habang naglalakad ang mga ito pauwi sa kani-kanilang bahay ay may namagitan na diskusyon hanggang sa nagkainitan ang dalawa na nag resulta na tinaga ng suspek ang biktima.

Nagtamo ng taga sa ulo tenga kamay at iba pang parte ng katawan si Zaspa.

Agad itong dinala sa Provincial Hospital at patuloy na ginagamot.

Habang naaresto naman si Retubis ng mga kapulisan at ngayon ay nakakulong na ito sa Malinao Pnp.