Connect with us

Aklan News

Delivery rider sugatan matapos mabanggaan ng SUV

Published

on

By

Photo: Kalibo MPS

Sugatan ang isang delivery rider matapos mabanggaan ng SUV sa may traffic lights sa bahagi ng Mabini St. nitong Lunes.

Kinilala ang delivery rider na si Justine Celestino, 24-anyos at residente ng Brgy. Estancia Kalibo samantalang nakilala naman ang SUV driver na si Marlon Cruz, 41-anyos.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, mula sa direksyon ng Infant Jesus School si Celestino ngunit pagdating sa naturang lugar ay aksidente itong nabangga ng naturang SUV.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng sugat sa katawan at bali sa kanyang paa si Celestino.

Kaagad naman itong dinala sa Aklan Provincial Hospital para sa agarang paggamot.