Connect with us

Aklan News

COMELEC AKLAN, MAY MGA PAALALA SA MGA MAGHAHAIN NG COC PARA SA 2022 ELECTIONS

Published

on

By

All set na ang COMELEC at handa nang tumanggap ng mga certificate of candidacy (COC) ng mga nagnanais na tumakbo sa May 2022 elections.

Ngayong araw, Oktubre 1 ang unang araw ng paghahain ng COC sa buong bansa ayon kay COMELEC Aklan Spokesperson Crispin Raymund Gerardo.

Nagtapos na raw kagabi ang voter’s registration pero magkakaroon naman ito ng extension pagkatapos ng itinakdang araw ng paghahain ng COC hanggang sa katapusan ng buwan.

Ayon kay Gerardo, bukas sila kahit na Sabado at Linggo mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon para tumanggap ng COC.

“Sa mga pamueoyo ag sa tanan nga gustong magserbisyo sa banwa, sa mga aspirante nga gusto magserbisyo sa banwa nga ro COMELEC hay may gintaeana nga adlaw kun siin pwede kita mag file ag duyon hay from October 1, which is today hasta it October 8,” saad nito.

Ipinaalala pa ni Gerardo na sa mga may balak na maghain ng COC na tingnang mabuti ang mga impormasyon na nakasulat sa COC bago pirmahan.

“Bago pirmahan ang COC hay dapat nga basahon ag tan-awon it mayad ro mga nakasueat,

“Unang tan-awon hay whether duyi ro pinaka latest nga COC, pwede ka download sa website pero mas name nga sa COMELEC lang magbuoe para makabuoe guidelines kun ano ro dapat nga ubrahon,” paalala pa niya.

Kukuha aniya ng limang kopya ng COC ang COMELEC at lahat dapat ng mga item sa form ay nafill-upan lalo na ang “name to appear on the ballot” na aniya’y ticket sa pagkapanalo sa elelsyon, “Pinaka importante gid nga name to appear on the ballot, “ticket on winning the election”.

Maaari raw na maglagay ng palayaw dito pero dapat na hindi lalagpas sa 30 characters ang pangalan na nakasulat.

Kailangan rin umano ng documentary stamp na P30 at Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) sa mga may partido.

Nilinaw rin niya na maaaring gawin ang substitution kung may mga kandidato na nais umatras, ma-disqualify o mamatay.

Pero kung pag-atras ang dahilan, hanggang Nobyembre 15 na lang aniya sila tatanggap ng substitution.

Maaaring pumalit ang sinumang miyembro ng pamilya o kapartido, subalit ang mga independent candidate at hindi na maaaring magpa-substitute.