Connect with us

Aklan News

BOARDER’S REGISTRATION SA KALIBO, ISINUSULONG NG POBLACION BRGY. COUNCIL

Published

on

Isinusulong ng Poblacion Barangay Council ang ordinansang naglalayong irehistro ang mga boarder sa barangay Poblacion sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Punong Barangay Niel Candelario sa pamamagitan ng nasabing ordinansa ay mabibigyan ng importansiya ang seguridad kalusugan ng mga mamamayan at proteksyon ng mga boarder.

Ito rin ang magsisilbing identipikasyon o pagkakakilanlan nila sa kanilang pananatili sa Kalibo.

Dagdag pa ni Kap. Candelario na magagamit nila ito upang mapadali ang distribusyon at maabot ng ayuda ang mga boarders sakaling may mga sakuna, katulad ng bagyo at iba pa.

Aniya bahagi rin ito ng kanilang barangay record keeping, kung saan nakita nila ang kahalagahan nito lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Layun din nitong mapasama ang mga boarders sa pag-update ng kanilang Registration of Barangay Inhabitant o RBI .

Samantala, oras na rin ayon kay Candelario na magkaroon ng Boarders Registration System dahil ang Kalibo ang itinuturing na sentro ng komersyo at edukasyon sa probinsiya ng Aklan.

Advertisement